Ano Ang Kahulugan Ng Salawikain At Sawikain
Ano ang kahulugan ng salawikain at sawikain
Answer:
Ang salawikain ay isang pahayag kung ito ay hango sa mga bunga ng pagmumuni-muni sa araw-araw na pamumuhay at gawain. Ang sawikain ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa ating wika. Ang kasabihan ay naglalayong magbigay ng mga gintong aral upang gabayan ang mga gawain ng isang tao sa lipunan.
Bahagi na ng kulturang Pilipino ang paggamit sa mga salawikain, sawikain at kasabihan. Tinatayang ginagamit na ang mga ito bago pa man dumating ang mga Kastila bilang mga gabay at paalala sa mga gawaing makatao at maaaring gamitin tungo sa pagpapakatao. Kung kayat maituturing ang mga ito bilang mga gintong muni na masasabi narin nating kayamanan ng kulturang Pilipino. Ang salawikain, sawikain at kasabihan ay mga salitang naisasalin sa pamamagitan ng pagsasalindila o oral tradition at nagtataglay ang mga ito ng mga karanasanang maaaring gamitin upang makamit ang karunungang hinahangad.
Read more on Brainly.ph - brainly.ph/question/312596#readmore
Explanation:
Comments
Post a Comment