Bakit Natuturing Na Bansa Ang Pilipinas?
Bakit natuturing na bansa ang Pilipinas?
Answer:
Explanation:
Ang Pilipinas ay maituturing na isang bansa dahil taglay nito ang apat na elemento upang masabi na ang isang lugar ay isang estado o bansa.
1. Tao - Tumutukoy ito sa pangkat ng mga taong naninirahan sa isang teritoryo o lugar. Sila ang bumubuo ng populasyon ng bansa.
2. Teritoryo - Tumtukoy naman ito sa lawak ng lupain, katubigan at himpapawid na nasasaklaw ng isang bansa. Ito ang tinitirahan ng mga tao at ang pinamumunuan ng gobyerno o pamahalaan.
3. Pamahalaan - Tumutukoy ito sa isang samahang politikal na binubuo ng grupo ng mga taong naglalayong magtatag ng maayos at sibilisadong lipunan.
4. Soberanya - Ito ay ganap na kalayaan. Tumutukoy ito sa kapangyarihan ng gobyerno na pamahalaan ang kanyang nasasakupan nang walang pakikialam mula sa ibang bansa.
Read more on Brainly.ph - brainly.ph/question/135585#readmore
Comments
Post a Comment